Back to top.
Thankful naman po ako.

Putang’nang buhay ‘yan.

Lord, mahal Kita. Alam Mo ‘yan.  Or, at least, alam mo naman ang totoo, ika nga ni San Pedro.

Pero. Hay. Hay. 

Minsan lang talaga, Lord, gusto mo lang ng makakausap ng matino.

‘Yun naman talaga e.

Makakausap lang ng masaya, masinisinan, magaan, komportable.

Yun lang. Yun na ata ang pinakamahalagang pang-katawang mundong kayamanan na naiiisip ko.  

Sorry po, Lord, kung ang blasphemous po nito.  Alam mo naman na parang Kuyang mapang-asar Ka kasi sa buhay ko.

Kaya mga bata, kung may mahanap kayong kaibigan na kinagagaanan niyo ng loob at nakakausap niyo sa paraan kung saan halos hindi niyo kailangan pag-isipan ang sinasabi niyo at dumadaloy lang ang kasiyahan. Wag niyo nang pakawalan.  Wag niyong sasaktan.  Alagaan niyo na yun. Mahalin niyo.  Wag akong tutularan. 

Sige ka.

09.20.11 3
Draaags.

Drugs lang ang linggong ‘to.

Ang buhay ko ngayon parang isang ilog na lang ng paghahanap ng mga nakakawiling gawin. Real-life.  Hindi ko na kailangan ng chemical stimulants.  

09.03.11 0
Ako yung tipo ng tao

Na ayaw kinu-komplikaduhan ang buhay.

Kapag alam ko na may posibleng magpagulo ng buhay ko, na hindi ko madadala, wag na lang ‘uy.

Kaya akong natatakot.  Ayokong nalalasing. At ayokong nagkakagusto sa isang tao ng seryoso.

Kapag may seryoso kang nagustuhan, wala na. 

Wala na.

Biglang hindi na iyo ang buhay mo.  Hindi mo naman kasi mapigilan, hindi mo ma-kontrol yung naiisip mo lagi.  Yung mga dati mong pinlano, yung mga dapat na gusto mo sanang pakasipagan, pwedeng mabura kung hindi yun yung trip niya.  At kahit na sabihin mo sa isip mo na “tsong, umayos ka.”.  Ang hirap minsan kasi hindi mo mapigilan na nadidistract ka sa kababawang kilig. Bwiset.

Bwiset talaga. Panira ng buhay.  Ayoko na.  Lord, bakit mo ba kasi nilagyan ng hormones ang tao?  Bakit? Hay.  Wala naman kasing kahulugan ang kilig.  Lukso lang siya sa hormone levels mo na nagrerespond sa isang hard-wired set of traits na na-instill sa ‘yo habang lumalaki ka na medyo hinahanap mo sa opposite sex.  Hindi siya “sign” of anything substantial, hindi siya “spark”, ni hindi siya guarantee na may rapport kayo. Kaya bwiset lang siya. Bwiset.

08.19.11 0
Ako ay batang gala.

May nakausap ako nitong linggo.  At may sinabi siya na naisip ko paniniwala ko din.

Feeling niya kapag hindi siya lumalabas ng bahay, parang wala siyang nagawa.

Hindi siguro maganda ‘yun.  Sigurado ako may dahilan kung bakit.  Siguro dahil ibig sabihin ayaw mong nag-lalagi kasama ng pamilya mo.  Siguro ibig sabihin nababato ka sa buhay, na nangangahulugang burgis ka o wala ka pang responsibilidad kaya may kakayahan kang “ma-bore”.

Pero ganun ‘e.  Masarap maglakad-lakad.  Makakita ng iba-ibang lugar.  Makakinig ng tugtog. Maka-lublob lang a buhay ng may buhay.  Parang pelikulang totoo.  

‘Yun ata yung habol ko.

At, ngayon, hindi kasi ako umabot sa dapat kong pupuntahan.  At napansin ko nga ang lungkot ng tingin ko sa sarili ko dahil sa bagal at pag-aalinlangan kong umalis.  Na-disappoint.  Tsk tsk.  

Ganun talaga, gawin mo na lang productive ang panahon sa bahay. Ayan, parang ganito.

08.13.11 8
Hindi ko naman sinasabi na hindi na ko sasaya.

Marami namang paraan para lumigaya. Ang ibig ko lang sabihin ay hindi ako handang umibig ulit. Hindi ko alam kung maiintindihan ba ng iba kung gaano kalaking bagay para sa ‘kin ang magbukas ng sarili sa isang seryoso at mahabaang relasyon. Mabuting magbukas uli ng puso, nakikita ko yun. Pero sa kabilang palad, ikaw lang ang nakikita ko sa ngayon na gugustuhin kong pustahan uli ng ganun. Alam mo naman ako, mahina ang loob kapag seryoso na ang pustahan. Marami namang klase ng pagmamahal na hindi pag-ibig. Iyon ang ikasasaya ko. Sana, Lord, patuloy ang pagturo Mo sa ‘king magmahal. Maraming salamat.
Naiintindihan ko naman na ang dinadasal kong paghihilom ng mga sugat niya ay posibleng hindi niya sa ‘kin mahahanap. Tanggap ko na po yun,Lord,salamat. Masakit pa din - hindi naman na ata matatanggal ang sakit na iyon. Pero magiging masaya pa din ako. Kikilos pa din ako sa buhay. Salamat talaga,Lord, sa lahat ng kaibigan at babasahin, Misa at pangyayari na sagot sa ‘king dasal. Thank You.

06.11.11 0
Papa jack #74: “May mga pagkakataon talaga na hahanapin mo sa bago mong partner ang characteristic ng ex mo.”

Pucha.

06.11.11 28
Kahit na gaano ka kagaling mang-basag,

si God pa rin ang pinakamagaling man-trip sa ‘ting lahat. 

Pramis.  Ang galing niya mang-asar, ganda pa ng sense of humor at timing niya.

03.07.11 0
Zoom I really hope so.

I really hope so.

02.28.11 4329
Zoom
02.28.11 1743
Be thankful for what you have; you’ll end up having more. If you concentrate on what you don’t have, you will never, ever have enough.

yanilavigne:

-Oprah

02.28.11 1688